Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB) matapos makapagtala ng “very unhealthy” air quality sa ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa nararanasang transboundary haze.
Kabilang sa nakapagtala ng AQI na 151 hanggang 200 ang Caloocan, Las Piñas, Muntinlupa, at Parañaque. Samantala, umabot naman sa 101 hanggang 150 ang AQI sa ilang bahagi ng Mandaluyong, Manila, Marikina, Navotas, Pasay, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig, at Valenzuela.
Ayon sa DENR-EMB, mataas ang lebel ng PM2.5 sa ilang lugar at posibleng may kaugnayan ang haze sa usok mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia.
Pinayuhan naman ang publiko na bawasan ang outdoor activities at mag-ingat, kabilang ang pagsusuot ng N95 mask.


