Naitala ang “very unhealthy” o hindi ligtas na kalidad ng hangin sa ilang lugar sa Metro Manila nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa EMB-NCR.
Pinakamataas ang Air Quality Index (AQI) sa Las Piñas na nasa 184, sinundan ng Parañaque na 177. Nasa “very unhealthy” din ang lebel sa ilang bahagi ng Muntinlupa, Caloocan at Taguig.

