Natuklasan ng Commission on Audit (COA) na nasa ₱938,000 ang overpayment ng Department of Education (DepEd) sa mga voucher para sa mga estudyanteng nag-drop out o pumanaw na.
Sa 5,507 benepisyaryo ng Senior High School Voucher Program na sinuri ng COA, 58 umano ang hindi nakumpirma dahil sa iba’t ibang dahilan. Kabilang dito ang pag-drop out, paglipat ng paaralan, hindi pag-enroll, at pagkamatay.
May lima ring benepisyaryo na nailagay sa maling voucher category, at nagresulta sa karagdagang ₱14,710 na overpayment.
📸: PNA file

