Suspendido ang klase sa mga paaralan sa batan ng Isulan, Sultan Kudarat ngayong hapon, Setyembre 30.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng kanilang precautionary security measures para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro, at school personnel.
Kasunod ito ng mga ulat ng narinig na paputok sa Isulan National High School. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ito ay insidente ng pamamaril.
📸: Municipality of Isulan

