MATANDANG TSUPER, INATAKE SA TRANSPORT STRIKE.
Inatake sa puso ang 78-anyos na tsuper habang nakikiisa sa transport strike sa Monumento, Caloocan City nitong Martes ng umaga, Setyembre 29.
Ayon sa PISTON-NCR, biglang sumikip ang dibdib ng lolo bago nawalan ng malay. Isinugod siya sa ospital at nananatiling kritikal. Mahina rin umano ang oxygen level niya at pinag-iisipan ng pamilya kung isasailalim siya sa intubation.
Halos limang dekada nang tsuper ang matanda at matagal nang miyembro ng PISTON. Patuloy naman ang panawagan ng grupo para sa mga nais tumulong sa kaniyang pagpapagamot. | via Jim Tejano
📸: Contributed

