Ibinasura ng Sandiganbayan Second Division ang kahilingan ng mga prosecutor na alisin si dating Public Works chief Manuel Bonoan bilang akusado sa graft case kaugnay ng umano’y flood control kickback scheme.
Ayon sa anti-graft court, patuloy na ituturing na akusado si Bonoan habang hinihintay ng mga prosecutor ang karagdagang direktiba mula sa Office of the Ombudsman.
Kabaligtaran ito ng naunang desisyon ng Sandiganbayan Fifth Division na nag-alis kay Bonoan bilang akusado sa ₱573-milyong plunder case at isa pang graft case na kinasasangkutan ni Sen. Jinggoy Estrada.
📸: Senate file



