AMERIKANONG WANTED, NAHULI SA CEBU.
Arestado ng Bureau of Immigration (BI) sa Lapu-Lapu City, Cebu ang 62-anyos na American national sa kahilingan ng mga awtoridad sa Estados Unidos.
Ayon sa BI, wanted ang lalaki sa Mississippi kaugnay ng kasong sexual battery laban sa isang taong inilalarawang mentally incapacitated o physically helpless.
Huling dumating sa Pilipinas ang suspek noong Hulyo 21 bilang turista at nakapag-extend ng kaniyang authorized stay hanggang Nobyembre 18.
Pansamantalang nakadetine ang American national sa NBI Mandaue habang hinihintay ang paglilipat sa BI Warden’s Facility sa Bicutan. Nakahanda naman ang kaniyang deportation kapag may kaukulang order mula sa BI Board of Commissioners. | via Jim Tejano
📸: BI



