BANGKA, NASUNOG SA ZAMBOANGA CITY.
Sugatan ang isang mekaniko ng bangka matapos masunog ang motorized boat sa pantalan malapit sa Taha Wharf, Brgy. Baliwasan, Zamboanga City nitong Martes, Setyembre 29.
Nagkaroon umano ng spark na sinundan ng pagsabog habang pinapaandar ang makina ng bangka. Sa inisyal na ulat, nakaligtas naman ang skipper at tatlong tripulante matapos silang tumalon sa dagat.
📸: Dan J Amil
