Nasawi ang isang babae habang nasa kritikal na kondisyon ang kaniyang asawa matapos silang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Laguinding, Esperanza, Sultan Kudarat noong Lunes, Setyembre 28, pasado alas-5 ng hapon.
Ayon sa isang saksi, apat na lalaki ang nakitang sakay ng isang kulay-abong sasakyan nang mangyari ang pamamaril. Isa sa kanila ang may dalang armas.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. | via Jannice Ann Cabaña


