Naitayo na ang mas pinataas na dike sa bahagi ng Talomo River sa Davao City makalipas ang dalawang buwan.
Isa sa flood control measures na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ang pag-dredge sa ilog.
Pinataas rin ang river control structure upang hindi na maulit ang matinding baha na naranasan ng mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
Noong Hulyo, una nang bumisita si DPWH Secretary Vince Dizon sa lungsod para makita ang sitwasyon matapos bumaha sa ilang lugar malapit sa Talomo River.
Nadiskubre na pitong taong natengga ang proyekto para sa pagpapataas ng river dike mula noong 2019 na nagresulta ng matinding pinsala sa mga residente. | via Madelyn Villar-Moratillo
📹: DPWH

