Nasawi ang isang senior member ng ruling party ng Democratic Republic of Congo matapos umanong bugbugin ng mga residente kasunod ng kaniyang paglahok sa radio program tungkol sa pag-iwas sa Ebola.
Ayon sa United Party for Democracy and Social Progress (UDPS), si Marie-Celestin Karondwa ay inatake sa Butembo, North Kivu matapos niyang ipaliwanag sa programa ang mga hakbang para maiwasan ang Ebola. Ninakawan din umano siya at sinunog ang kaniyang bahay bago siya tuluyang namatay.
Iniuugnay ang insidente sa matagal nang pagdududa at kawalan ng tiwala ng ilang residente sa mga awtoridad at Ebola response efforts sa eastern Congo. Patuloy rin ang pag-atake sa mga health worker at pasilidad na tumutugon sa outbreak.
📷: Radio Elimu - UOR Butembu


