Nadismaya si Presiding Officer Sen. Chiz Escudero matapos baguhin ng prosekusyon ang pagkakasunod-sunod ng mga testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa halip na kinatawan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), nais ng prosekusyon na unang iharap si dating Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi naman ng defense team na handa silang mag-cross-examine sa testigo, depende sa magiging desisyon ng prosekusyon.

