Itinaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Chinese maritime militia vessel na may hull number 9622 na nag-deploy ng 24 na maliliit na bangka sa loob ng territorial sea ng Kota Island sa Kalayaan Island Group nitong Lunes, Setyembre 28.
Ayon sa PCG, tig-dalawang indibidwal ang sakay ng bawat bangka na nagkalat at namataang nangingisda.
Inilarawan ng PCG ang deployment bilang force-multiplying tactic na nagpapalawak sa saklaw ng mothership at nagpapalakas sa presensya ng China sa lugar under civilian appearance.
📷: Philippine Coast Guard


