Asahan ang dagdag-singil sa pamasahe sa eroplano matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Level 17 ang fuel surcharge para sa Oktubre 1 hanggang 15.
Katumbas ito ng ₱559 hanggang ₱1,635 fuel surcharge para sa domestic flights, habang ₱1,846.10 hanggang ₱13,726.58 naman para sa international flights.
Kasunod ito ng muling pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, na iniuugnay sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Matatandaang nasa Level 14 ang fuel surcharge mula Setyembre 16 hanggang 30.



