Nilinaw ni Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi nilabag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang Rule 18 o sub judice ruling ng impeachment court.
Kasunod ito ng naunang pahayag ng alkalde tungkol sa takbo ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sen. Escudero, ginawa ni Baste ang mga pahayag bago pa siya naging testigo ng prosecution kaya hindi siya nahaharap sa anumang paglabag.
Samantala, idineklara naman siyang hostile witness at patuloy na haharap sa pagdinig ngayong Martes, Setyembre 29.
PANOORIN ANG LIVESTREAM: Senate impeachment trial livestream


