Sinampahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng falsification of public documents si Roel Sarmiento, kapitan ng nasunog na M/V June Aster.
Ayon sa PCG, hindi nagtutugma ang ibang detalye sa dokumentong isinumite ng kapitan bago bumiyahe ang barko, kabilang ang mga pasaherong nakalista pero hindi naman sumakay.
Ito pa lamang ang unang criminal complaint kaugnay ng insidente noong Setyembre 9 na ikinasawi ng 77 katao, habang walo pa ang nawawala.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng insidente.
📷: PCG


