Nag-lockdown ang ilang classroom sa Our Lady of Fatima University sa Tamaraw Hills, Valenzuela City ngayong Martes, Setyembre 29, matapos kumalat ang isang papel na naglalaman umano ng death threat sa loob ng unibersidad.
Agad na rumesponde ang Valenzuela PNP at nagsagawa ng inspeksyon sa buong paaralan, kabilang ang mga classroom at mga bag ng mga estudyante. Sa kanilang pagsisiyasat, walang nakitang anumang bagay na maaaring magdulot ng panganib sa mga estudyante at guro.
Sinuspinde na ang klase sa OLFU Valenzuela habang inaalam ng pulisya kung sino ang nagpakalat ng threat. | via Kristine Dantes
📹: Lean Arogante


