Itinaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Chinese maritime militia vessel at 24 na maliliit na bangka na namataang nangingisda sa Kota Island sa Kalayaan Island Group (KIG) nitong Lunes, Setyembre 28.
Ayon sa PCG, nagsagawa rin sila ng radio challenge sa naturang barko. Agad namang umalis ang barko kasama ang lahat ng 24 na bangka nang makarating ang PCG sa lugar.
📹: PCG

