Nasugatan ang dalawang sundalo ng Philippine Army na tinambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo sa Davao-Cotabato National Highway sa Barangay Ladia, Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte, nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 23.
Kinilala ang dalawang sundalo na mga miyembro ng 7th Infantry Battalion. Ayon sa pulisya, sinundan umano ng dalawang suspek sakay ng motorsiklo ang mga sundalo bago sila pagbabarilin.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga suspek at motibo sa insidente.
📷: PRO BAR


