Nasawi ang dalawang sundalo matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Davao-Cotabato Road, Brgy. Ladia, Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte pasado alas-6 ng gabi noong Setyembre 23.
Kinilala ang mga biktima na kapwa miyembro ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hinabol umano ang dalawang sundalo ng dalawang suspek na sakay ng puting motorsiklo bago sila pinaputukan. Narekober sa lugar ang tatlong basyo ng bala mula sa caliber .45 na baril.
Agad silang isinugod sa ospital ngunit pareho silang namatay bago makarating sa Cotabato Regional Medical Center. | via Ely Dumaboc


