Sabay-sabay na naglayag sa West Philippine Sea ang 11 barko mula sa walong bansa bilang bahagi ng maritime security activity ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus (ADMM-Plus).
Kabilang sa mga lumahok ang mga barko mula sa Pilipinas, Estados Unidos, Australia, Japan, New Zealand, India, Singapore, at Brunei.
Isinagawa rin ang iba’t ibang exercises gaya ng search and rescue, medical evacuation, at pagtulong sa grounded oil tanker.
Pilipinas at Japan ang co-chairs sa aktibidad na nakatuon sa pagpapalakas ng maritime security, cooperation, at readiness ng mga kalahok na bansa.


