Pinabulaanan ng Malacañang ang pahayag ng ilang mambabatas na isang “presidential pork barrel fund” ang panukalang ₱58.53 bilyong Local Government Support Fund (LGSF) sa 2027 national budget.
Kasunod ito ng pahayag ni Caloocan Rep. Edgar Erice na parang “blank check” ng Pangulo ang pondo dahil malaki ang kapangyarihan ng ehekutibo sa pagdedesisyon kung saan ito mapupunta.



