Nakuha sa 40-anyos na lalaki ang dalawang hindi lisensyadong baril at pinaghihinalaang ilegal na droga sa isinagawang search operation sa Camiling, Tarlac.
Nakuha sa bahay ng suspek ang isang .38 revolver na may anim na bala at isang shotgun na may dalawang bala, na parehong walang serial number. Nasamsam din ang tatlong sachet na naglalaman umano ng pinaghihinalaang ilegal na droga.
Dinala sa crime laboratory ang mga nakuhang ebidensya para sa pagsusuri. Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Ismael Mateo

