LALAKI, TIMBOG SA OPERASYON SA ZAMBOANGA DEL SUR.
Arestado ng mga awtoridad ang isang 48-anyos na lalaki matapos umanong mahuling nagbebenta ng hinihinalang shabu sa Barangay Benuatan, Dinas, Zamboanga del Sur.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na umano’y ibinenta sa poseur-buyer, kasama ang tatlo pang sachet, at buy-bust money.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Nasa kustodiya ng Dinas Municipal Police Station ang lalaki. | via Eric Bachiller



