Nagdeklara ng state of emergency ang California bilang paghahanda sa inaasahang malakas na epekto ng El Niño, ayon kay Governeor Gavin Newsom.
Maaaring magdala ang El Niño ng malalakas na bagyo sa mga susunod na buwan. Posible rin ang mas mataas sa karaniwang high tide na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga baybaying lugar.
Layunin ng deklarasyon na mapadali para sa mga ahensya ng estado na makakuha ng kinakailangang kagamitan laban sa baha, tulad ng sandbags at water pumps.
Nakaalerto na rin ang California National Guard para tumulong sa flood response, search and rescue, engineering at logistics operations kung kinakailangan.
📸: Reuters

