BANDALISMO PAGKATAPOS RALLY.
Dismayado si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga naiwang bandalismo sa center island sa Recto sa Maynila matapos ang isinagawang rally ng ilang grupo sa paggunita ng ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon Martial Law kahapon, Setyembre 21.

Sinabi ng alkalde na pinagsisikapan ng LGU ng Maynila na pagandahin, linisin, at ayusin ang mga pangunahing kalsada para sa mga Manileño.

Dagdag pa ng alkalde, malayang magpahayag at magprotesta sa lungsod ngunit huwag lamang dungisan at sirain ang mga pasilidad na pinaghirapang ayusin at linisin. | via Alnazir Kanapi


📸: Isko Moreno Domagoso/Facebook


