Inaasahang maglalabas ang Commission on Audit (COA) ng revised guidelines sa paggamit ng confidential at intelligence funds pagsapit ng Hunyo 2027.
Ayon sa ilang mambabatas, kabilang sa maaaring baguhin ang mga patakaran sa paggamit ng aliases o codenames, pagbibigay ng reward, at mga dokumentong kailangang isumite bilang patunay sa paggamit ng pondo.
Kasama rin sa pag-aaralan ang security clearance ng mga auditor at paggamit ng generic acknowledgment receipts.
Nakikipag-ugnayan ang COA sa Department of Budget and Management (DBM) at iba pang ahensya para mabuo ang bagong guidelines.
📸: Senate

