Pinasalamatan ang 14-anyos na estudyanteng humarang sa kanilang classroom laban sa gunman sa Banga school shooting sa South Cotabato noong Setyembre 18.
Sa kasagsagan ng pamamaril sa Banga National High School, sinipa ng Grade 9 student ang suspek at hinila ang pinto upang hindi makapasok sa classroom ang shooter kung saan naroroon ang kaniyang mga kaklase.
Sa kabila ng tama ng bala sa kaniyang kamay, napigilan ng estudyante ang gunman at naprotektahan ang kaniyang mga kaklase. | via Russel Musico


