Agarang nilinis ng mga kawani ng Department of Public Services (DEPS) ang kahabaan ng Recto Avenue sa Maynila ngayong Lunes, Setyembre 21, matapos ang kilos-protesta ng iba't ibang grupo kaugnay ng ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Bago nagtipon sa Recto, nagmartsa ang mga raliyista mula España Boulevard at nanawagan laban sa korapsyon sa mga proyektong pampubliko at umano'y pag-abuso sa karapatang pantao.
Nananatili sa lugar ang mga tauhan ng MPD, MDRRMO, at medical personnel para sa seguridad at kaayusan ng lugar.
📹 via Alnazir Kanapi
📷 Isko Moreno Domagoso/Facebook

