Kasabay ng paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, isinagawa ang kilos-protesta ng ilang samahan sa Lucena City, Quezon ngayong Lunes, Setyembre 21.
Ayon sa mga raliyista, ang pagkilos nilang ito ay pagtutol sa lumalalang korapsyon sa pamahalaan, sa Pax Silica na sisira umano sa kalikasan, at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at suliranin sa baha.
Samantala, ayon naman sa pulisya, naging mapayapa ang naging kilos-protesta sa naturang lugar.
📹 via Martin Banaag
