Posibleng tumaas ng ₱10 hanggang ₱25 kada kilo ang presyo ng LPG sa Oktubre dahil sa pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado at gastos sa transportasyon.
Ayon kay LPG Marketers Association President Arnel Ty, naka-depende pa rin ang final na presyo sa galaw ng international prices hanggang katapusan ng Setyembre.
Sa kasalukuyan, tumaas ng $70 kada metric ton ang international LPG contract prices, na katumbas ng nasa ₱4 kada kilo sa lokal na presyo. Maaari pang madagdagan ang taas-presyo dahil sa pagtaas ng shipping costs na umaabot sa $300.
📸: PNA

