Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa driver ng van na nanutok ng baril sa isang motorista habang nagmamaneho.
Kabilang sa mga paglabag ang reckless driving, hindi pagsusuot ng seatbelt, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.
Pinatawan rin ng preventive suspension sa loob ng 90 araw ang lisensya ng driver. Inatasan ang driver na agad isuko ang kaniyang lisensya sa Office of the Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO.
📸: LTO

