Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba't ibang progresibong grupo sa Davao City kasabay ng ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ngayong Lunes, Setyembre 21.
Bukod sa mga banner at plaka na dala ng mga raliyista, tampok sa protesta ang panawagang ikulong ang mga opisyal na sangkot sa korapsyon.
Ipinahayag din ng mga nagpoprotesta ang kanilang panawagan para sa transparency, accountability, at maayos na pamamahala ng gobyerno, habang iginiit na hindi dapat kalimutan ang mga pangyayari sa panahon ng Martial Law. | via Mesach Eros Javier
