Iniurong ng Senate impeachment court ang naunang subpoena kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte para dumalo sa impeachment trial ng kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa Miyerkules, Setyembre 23.
Iniutos ni Presiding Officer Francis "Chiz" Escudero na maglabas ng bagong subpoena para kay Mayor Duterte, Atty. Samonte, at Major Sangalang para dumalo sa paglilitis mula Setyembre 28 hanggang 30, sa ganap na 10:00 ng umaga.

