Itutuloy bukas, Setyembre 22, ang preliminary conference ng kasong plunder ni dating House Speaker Martin Romualdez na nakahain sa Third Division ng Sandiganbayan.
Sabi ng Sandiganbayan Third Division Clerk of Court, ’yan ay dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko bunsod ng paggunita sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ngayong Lunes, Setyembre 21.
Nagkansela na rin ng office hours kaninang 2:30 p.m. ang Sandiganbayan. | via TJay Mendoza

