Kinondena ng mga grupo ng raliyista ang marahas na pag-aresto sa isa nilang kasamahan sa gitna ng ginagawang kilos-protesta sa C.M. Recto Avenue malapit sa Mendiola, Lunes ng umaga, sa ika-54 anibersaryo ng Martial Law ngayong Setyembre 21.
Naaresto ang nasabing raliyista matapos diumanong mahuling nagpipintura sa pader ng LRT-2 Recto Station.
Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa ng Sanlakas, hindi pabor ang kanilang grupo sa ginawang pagtrato ng pulisya kung saan kinwelyuhan pa ito, at hinuling "parang mamamatay-tao" sa halip na bigyan lamang ng paunang babala.
Matapos ang panandaliang pagkakadetine at koordinasyon sa mga otoridad, pinakawalan din ng pulisya ang nasabing raliyista kalaunan.
Naganap ang insidente habang nasa higit 15,000 tauhan ng pulisya, kabilang ang mga karagdagang pwersa mula sa Region 3 at Region 4A, ang nakakalat sa Maynila upang bantayan ang security at mga serye ng demonstrasyon ngayong araw.
Ang naturang railiyista, nag-iwan ng katagang "to serve and to protect the ruling class".



