Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 araw na suspensyon ang lisensya ng van driver matapos kumalat online ang video ng umano’y panunutok ng baril sa isang motorista at delikadong pagmamaneho nito.
Ipinatawag din ng LTO ang driver at rehistradong may-ari ng van sa Setyembre 25 para magbigay ng paliwanag tungkol sa insidente.
Nahaharap ang driver sa reklamong reckless driving at paglabag sa seatbelt law. Sinisilip din ng LTO ang iba pang posibleng paglabag.
📸: Real Ryan



