Arestado si Lakambini Chiu, 45, kapatid ng actress at TV host na si Kim Chiu, kaugnay ng 124 counts ng qualified theft.
Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ni Kim noong Disyembre matapos madiskubre ang umano’y malaking financial discrepancies sa kanilang negosyo.
Ayon sa Office of the Quezon City Prosecutor, may sapat na batayan para sampahan si Lakambini ng 124 counts ng qualified theft.
Kasalukuyang nakapiit si Lakambini sa police custodial facility sa Mandaluyong habang hinihintay ang commitment order ng korte at iba pang court proceedings. Itinakda ng korte sa ₱5.838 milyon ang piyansa ni Chiu.
📸: QCPD PIO



