Nagpakalat ng mahigit 17,000 pulis sa Metro Manila para sa mga inaasahang kilos-protesta ngayong Lunes, Setyembre 21, bilang paggunita sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nakahanda ang mga pulis na may body cameras sa mga pagdarausan ng mga pagtitipon, kabilang ang Mendiola, Liwasang Bonifacio, Ayala Bridge at EDSA Shrine.
Tiniyak ng mga awtoridad na paiiralin ang maximum tolerance. Hinimok naman ang mga raliyista na panatilihing mapayapa ang kanilang mga aktibidad.
📸: MPD


