Posibleng bumaba ang singil sa kuryente ng mga consumer sa Nobyembre dahil tatanggalin na ang 12% value-added tax (VAT) sa system loss charge.
Ayon sa Department of Energy (DOE), maaaring makatipid ng hindi bababa sa ₱20 kada buwan ang mga consumer, lalo na ang mga household na kumokonsumo ng nasa 200 kilowatt-hours.
Target ng ERC na maipatupad ang bagong patakaran para sa kuryenteng nakonsumo ngayong Oktubre. Kaya sa bill na matatanggap sa Nobyembre, makikita na ang bawas sa singil.
Nilinaw naman ng ahensya na VAT lamang sa system loss charge ang aalisin, hindi ang mismong system loss charge.
📸: PNA



