Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipino ang naiulat na naapektuhan sa mga pagsabog sa Riyadh, Saudi Arabia nitong weekend.
Ayon sa DMW, katuwang nito ang Philippine Embassy at Consulate sa pagmonitor sa kalagayan ng mga Pilipino sa naturang bansa.
Pinapayuhan naman ang mga OFW na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng mga awtoridad ng Saudi, lalo na sa gitna ng tensyon sa Middle East.
📸: Reuters



