3 PATAY SA DRONE STRIKE SA MOSCOW.
Nabalot ng usok ang Kapotnya District matapos tamaan ng drone strike ang Moscow Refinery kahapon ng Linggo, Setyembre 20, ayon sa mga awtoridad.
Tatlo umano ang nasawi sa pinakamalaking naiulat na pag-atake ng Ukrainian drones sa Moscow region, habang malaki ang naging pinsala sa oil refinery.
Patuloy ang palitan ng pag-atake ng Russia at Ukraine sa kanilang mga energy infrastructure, sa kabila ng naunang pahayag na nagkasundo ang dalawang panig na ihinto ito.
📽️: Reuters


