Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence ang ama ng estudyanteng namaril sa Banga National High School sa South Cotabato, dahil baril niya ang nagamit ng kaniyang anak sa insidente.
Dagdag ni Remulla, hihiling siya sa Kongreso na palawakin ang pananagutan ng mga gun owner kapag nagamit ng kanilang mga kapamilya ang kanilang armas sa krimen.
Aniya, sa kasalukuyang batas, hindi awtomatikong pareho ang pananagutan ng gun owner at kapamilyang nakagawa ng krimen gamit ang kaniyang baril.
Ayon pa kay Remulla, nalaman umano ng mga magulang ng shooter noong Abril na sumali ang kanilang anak sa isang grupong may masamang motibo at dinala nila ito sa psychologist.

