Muling pinalawig ni Senador Loren Legarda ang kaniyang medical leave hanggang Oktubre 9.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., nag-file si Legarda ng leave mula Setyembre 21–23, Setyembre 28–Oktubre 2, at Oktubre 5–9.
Ito na ang ika-anim na sunod na pagpapalawig ng kaniyang medical leave mula nang magsimula ang kaniyang pagliban noong Agosto 3.
Samantala, iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman si Legarda, ang kaniyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste, at dating Energy Secretary Alfonso Cusi kaugnay ng mga reklamong plunder at graft na may kinalaman sa mga solar energy project.
📸: Senate


