Magsasagawa ng emergency meeting ang Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes, Setyembre 22, para sa gaganaping special election sa Batanes kasunod ng pagpanaw ni Rep. Ciriaco Gato Jr.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng poll body ang posibilidad na isabay ito sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections kung matutuloy ito sa Nobyembre 2.


