Sinabi ng Securities and Exchange Commission Director Gerardo Del Rosario na walang impormasyon o personal na kaalaman ang kanilang ahensya kung may aktibong papel si Vice President Sara Duterte sa pamamahala o pagdedesisyon sa 16 na natukoy na korporasyon.
Wala rin umano silang impormasyon kung lumahok si Duterte sa pag-review at pagsusumite ng alinmang General Information Sheet (GIS) ng mga kumpanya.
TUMUTOK SA NET25 LIVESTREAM: https://www.youtube.com/live/lnKJ-aLnoC8?si=aSR58LebJa1bQVu8

