Arestado ang 16 na lalaki dahil sa umano’y pagpapatakbo ng illegal na online sabong o e-sabong sa Pililla, Rizal.
Ayon sa Philippine National Police, nahuli ang mga suspek habang isinasagawa ang sabong sa isang cockpit arena at ipinapakita ito sa malaking screen.
Nahaharap ang mga ito sa kasong illegal gambling habang patuloy namang tinutugis ang dalawang umano’y operator na nakatakas sa raid.
Nakumpiska sa raid ang ₱15,150 na cash, anim na panabong na manok, tatlong CCTV camera at iba pang gamit sa pagsusugal.


