Naka-block na ang dalawang website na umano’y ginagamit ng mga groomer para hikayatin ang mga menor de edad na gumawa ng karahasan, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).
Ayon sa mga Philippine National Police, nagbibigay umano ang mga website ng simpleng task sa mga bata at mga gawaing may kinalaman sa karahasan at pamamaril.
Hindi muna pinangalanan ang mga website habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagtukoy sa iba pang posibleng ginagamit para i-groom ang mga kabataan.

