Tinanong ni presiding officer at Senator-judge Chiz Escudero si SEC Director Gerardo Del Rosario kung sino ang may pananagutan kapag hindi lumalabas sa SEC records ang pangalan ng isang sinasabing shareholder.
Sa pagdinig, nilinaw ng SEC director na ang pamunuan ng korporasyon ang may pananagutan sa impormasyong isinusumite sa SEC, at hindi ang indibidwal na hindi iniulat bilang shareholder.
Sinabi naman ni Escudero na kung may pananagutan man ang indibidwal sa idineklarang SALN, hiwalay umano ito sa usapin ng kumpanyang hindi nagpakita ng kaniyang pangalan sa mga dokumentong isinumite sa SEC.



