Magsasagawa ang transport group na PISTON ng dalawang araw na nationwide transport strike sa Setyembre 29 at 30 bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang suliraning kinakaharap ng mga tsuper at operator.
Ayon kay PISTON president Mody Floranda, inaasahang lalahok sa kilos-protesta ang libo-libong jeepney driver at operator.
Isinusulong din ng grupo ang suspensyon ng buwis sa mga produktong petrolyo at iba pang hakbang upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa sektor ng transportasyon.
Hindi pa tiyak kung gaano kalawak ang magiging epekto ng strike sa pampublikong transportasyon, dahil nakadepende ito sa aktuwal na bilang ng mga lalahok at sa mga contingency measure na ihahanda ng pamahalaan.

